Nakita na wala ng buhay ang isang sanggol habang nagbigti naman ang tatay nito sa pinto ng kanilang sariling bahay sa Brgy. South Daang Hari, Taguig City basta alas 12:50 ng hapon noong July 31, 2024.

Ang sanggol ay (11) labing-isang buwan pa lamang at ito ay nagawa pang isugod sa bahay pagamutan ngunit ideneklara rin itong dead-on-arrival ng attending physician, habang ang tatay naman nito na nagpakamatay ay kinilalang si John Erick Maribao, 22-anyos.

Sa naging inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nag-away si Erick at ang kaniyang live-in partner dahil sa sobrang selos.

Sa naging report, umalis ang live-in partner nito at iniwan ang sanggol sa pangangalaga ni Erick.

Sinasabi na tinakpan ng unan ang mukha ng sanggol bago magbigti gamit ang belt.