Tiklo ang isang lalaki sa isinagawang drug buy-bust operation ng presinto 3 sa bahagi ng kalye ng Catalina Austria sa Barangay RH-10 nitong lungsod kagabi.

Kinilala ng kapulisan ang nahuling suspek na si alyas Jo, 38 at residente ng nabanggit na lugar.

Nakuha mula dito ang dalawang maliliit na pakete ng suspetsadong shabu na may kabuuang halaga na 1,000.00 at nabawi din ang perang ginamit bilang buy-bust money.

Nakakulong na ngayon sa presinto 3 ang suspek at nahaharap sa kasong may paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.