Matapos na mapagusapan ni Konsehal Gabby Usman at ni Station Commander PCPT Rustan Deaño na kung maari ay mabuksan ang kahabaan ng daan sa tapat ng Presinto Uno na una nitong naisara, nabuksan na muli ito sa mga motorista.
Ito ay sa naging kahilingan ng mga namamasada at motorista na naantala ang kanilang pagdaan at nagdulot sa kanila ito ng malaking abala. Sa ngayon, maluwag nang madadaanan ang nasabing kalsada ng mga motorista.