Kinustodiya ng PNP Traffic Enforcement Unit ang sasakyan na white Brio na may plakang NGJ8603 at inisyuhan ang driver nito ng Citation Ticket ng magviral ang diumano ay pagdi-drift nito sa bahagi ng Sinsuat Avenue, di kalayuan sa City Hall kamakalawa ng madaling araw.

Paso ang rehistro ng sasakyan noon pang 2022 ayon sa bangko na pinagkuhanan nito ng maberipika ito ng mga otoridad.

Sa ulat sa opisina ng TEU, kinilala ang driver na si Alyas Datu na residente sa lungsod habang nakapangalan naman sa alyas Hana na taga bayan ng Midsayap sa Cotabato ang rehistro ng sasakyan.

Isinalaysay naman ng driver na tinetesting umano nito ang preno ng sasakyan kung kayat inekis-ekis na parang tokyo drift nito ang sasakyan.

Mabilis na natunton at napasuko ang nasabing drayber at ang mga kasama nito sa opisina ni Mayor Bruce Matabalao. Dahil dito, pinatawan ng kapulisan ang drayber ng wreckless driving dahil sa idinulot nitong peligro sa mga dumaraan at motorista sa lugar