Inambus kaninang umaga ang convoy ng kandidatong pagka Vice Mayor na si Anwar Dimasinsil habang bumabagtas sa national highway ng bayan ng Buluan bandang alas-10:00 ng umaga.
Ayon sa ulat, pinaulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang sasakyan ng grupo ni Dimasinsil.
Tinamaan ang drayber ng sasakyan, habang nagkaputok naman sa windshield ng Montero Sport kung saan sakay din si Dimasinsil.
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) – Buluan ang naturang insidente upang matukoy ang mga nasa likod ng pananambang at alamin ang posibleng motibo sa krimen.