Patuloy ang ginagawang search and retrieval operation ng mga otoridad para sa isang 11-anyos na batang babae na napaulat na nalunod habang naglalako ng mani sa bahagi ng Lamitan City.
Batay sa paunang ulat, tinangay ng malakas na agos ng creek ang bata habang tinatawid ang bahagi nito na naghihiwalay sa Barangay Malinis at Barangay Matibay. Ayon sa mga nakasaksi, naglalako ng paninda ang biktima nang mangyari ang insidente.
Dalawang araw na ang nakalipas simula nang ideklarang nawawala ang bata. Mula sa Gubauan River, nagsimula ang operasyon ng CDRRMO Lamitan kasama ang iba pang mga ahensiya, at ngayon ay paakyat ang kanilang paghahanap sa mga posibleng lugar na tinahak ng agos.