Inilunsad ng Malacañang ang Seaweed Economic Assistance and Government Initiative for Tawi-Tawi o SEAGIFT, programang layong palakasin ang seaweed industry bilang pangunahing kabuhayan at instrumento ng kapayapaan sa lalawigan.‎‎

Pinangunahan ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo Jr. ang ceremonial turnover noong Pebrero 4 sa Bongao Port, dala ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.‎‎Ayon kay Lagdameo, ang seaweed farming ay hindi lamang kabuhayan kundi bahagi ng estratehiya ng pamahalaan para sa pangmatagalang kaunlaran at katatagan sa mga island communities ng Bangsamoro.‎‎

Ang SEAGIFT ay convergence program ng BFAR, OPAPRU, at Pamahalaang Panlalawigan ng Tawi-Tawi, sa koordinasyon ng OSAP, upang tugunan ang kakulangan sa planting materials, pasilidad, financing, at market access ng mga seaweed farmer.

‎‎Ipatutupad ang Phase I mula 2024 hanggang 2026 na may P44 milyong pondo para sa production at capacity building, habang ang Phase II mula 2027 hanggang 2029 ay tututok sa processing at market integration.‎‎

Nagtapos ang aktibidad sa pamamahagi ng production inputs at livelihood assistance sa mga seaweed growers, bilang bahagi ng layuning gawing seaweed capital ng bansa ang Tawi-Tawi.