Full alert ang status ng Cotabato City PNP ngayong nalalapit na ang kapaskuhan at bagong taon.

Ito ang kinumpirma ni Cotabato City Police Office (CCPO) Director Police Director Col. Michael John Mangahis.

Aniya, mayroong ilalatag na security plan ang kapulisan kung saan magpapakalat ito ng dagdag pwersa sa buong lungsod ng Cotabato katuwang ang iba pang armed forces na 6th Infantry “Kampilan” Division, Philippine Marines, Coast Guard Maguindanao at iba pang concerned forces.

Ito ay upang maging maayos at mapanatili ang kaayusan sa lungsod ngayong nalalapit na rin isagawa ang Misa de Gallo (Simbang Gabi) ng mga Katoliko sa lungsod.

Panawagan ng Direktor sa publiko, na tumalima ang mga ito sa security measures upang maging mas masaya at maayos ang sakradong selebrasyon.