Mas pinaigting ng BARMM Government sa pangunguna ni Chief Minister Aldulraof “Sammy Gambar” Macacua ang seguridad sa rehiyon sa tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa mga ahensyang pangseguridad.

Layon nitong tiyakin ang kaayusan at kapayapaan para sa mas matatag na Bangsamoro.

Sa ginanap na 2nd Quarter Regional Peace and Order Council (RPOC) Meeting, agad na nagkaroon ng pagpupulong si Chief Minister Macacua kasama sina Major General Donald M. Gumiran ng 6th Infantry Division, Brigadier General Romulo Quemado II ng 1st Marine Brigade, at Commodore Marco Antonio Pa. Gines ng Philippine Coast Guard District BARMM.

Tiniyak ng mga opisyal ang kanilang buong suporta sa mga hakbang ng BARMM para sa kapayapaan at seguridad.

Ayon kay Chief Minister Macacua, patunay ito na hindi lamang ang pamahalaan ng BARMM kundi maging ang mga kasundaluhan sa Civil Defense Forces ay kaisa sa adhikain ng kapayapaan sa rehiyon.