Di na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang lalaki ng pagbabarilin ng mga di pa tukoy na suspek gabi nitong Miyerkules, sa Peñafrancia, Rosary Heights 11.

Kinilala ni Police Station 2 Commander Capt. Teofisto Ferrer ang nasawi na si Siegfried Racky Alivia y Flor, 36 anyos at nagtatrabaho bilang sekyu na nakatira sa Rosary Heights 10.

Agad na sinugod sa pagamutan partikular na sa CRMC ang biktima ngunit idineklara na itong dead on arrival ng kanyang attending physician.

Patuloy pa na nagsisiyasat sa lugar ang PNP at inaalam na din ang motibo sa nasabing pagpatay sa sekyu.