Ginawaran ng kopya ng Senate Resolution 226 ang pamilya ng kaunaunahang babaeng Moro na senador na si Santanina Tillah Rasul ng senado nito lamang Martes, Disyembre 3.

Pinangunahan ni Senate President Chiz Escudero at ng mga senador ang pagpaparangal sa naging legasiya at mga kontribusyon ng babaeng mambabatas na si Rasul sa bansa.

Si Rasul na kilalang Education and Literacy Advocate ay pumanaw nitong Nobyembre 28 sa edad na 94.

Kasama sa tumanggap ng naturang pakikiramay ang buong pamilya sa pangunguna ng anak na babae nito ni former NYC Chairman Amina Rasul Bernardo.