Sugatan ang isang 69-anyos na senior citizen matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Poblacion, Buluan, Maguindanao del Sur, bandang alas-10:46 ng gabi nitong Lunes, Setyembre 29, 2025.
Kinilala ang biktima na si Mamalangkas, residente ng Barangay Poblacion, at isang self-employed na may asawa. Ayon sa imbestigasyon, nakaupo umano siya sa kanyang motorsiklo sa tapat ng kanyang tiangge nang dumating ang mga armadong lalaki na sakay ng isang itim na Bajaj CT100 at agad siyang pinaputukan.
Matapos ang pamamaril, agad tumakas ang mga salarin habang isinugod naman ng mga kaanak ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan. Narekober sa lugar ang ilang basyo ng bala.
Patuloy pa ring ini-imbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang mga responsable at ang kanilang motibo.