Nagpapatuloy ngayon sa pag-iimbestiga ang Cotabato City Police Station 1 sa naganap na pamamaril patay sa isang 63 years old na lalaki kagabi ng alas siete sa Poblacion Singko sa lungsod partikular sa bahagi ng Maguindanao Creek.
Sa paunang ulat ng kapulisan, nasa labas at nananahimik na nakaupo lang sa silya ang biktimang si Charlie Caling Jr. ng paputukan ito ng riding in tandem suspects.
Nadiskubre naman ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala na mula sa kalibre 45 na pistola na maaring ginamit sa krimen.
Nadala pa sa hospital paetikular na sa Cotabato Puericulture ang biktima ngunit dead on arrival na ito ng datnan ng doktor na tumingin.