Nasa pagpoproseso na ng Police Regional Office ng rehiyong Bangsamoro at ng Bangsamoro Government ang planong pagtatatag ng (8) Walo na Municipal Police Stations sa mga bagong tatag na bayan sa ilalim ng Special Geographic Areas o SGA BARMM.
Ito ang pagkumpirma ni MILG Minister Designate Atty. Sha Dumama Alba sa ginanap na RPOC Meeting kahapon.
Ayon sa opisyal, inirekomenda ng PNP at PROBAR ang pagkakaroon ng mga MPS sa bagong tatag na mga bayan dahil sa pagkakaroon ng kalituhan sa mga residente pagdating sa paguulat ng krimen dahil sila ay sakop pa ng PNP REGION 12.
Para mapanatili ang kapayapaan at batas sa lugar, sinisimulan na ng PRO BAR ang pagpoprosezo sa mga dokumentong kinakailangan na isumite sa Camp Crame sa Maynila bilang kahilingan na magtatag ng mga istasyon sa mga munisipyo ng SGA.
Nangako naman ang opisina ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim na tutulong ito sa pagpapatayo ng pasilidad maging ang gusali ng mga MPS sa oras na ito ay pahintulutan na ng NHQ ng PNP.
Hinimok naman ni Minister Alba ang mga OIC Officials ng SGA na magbigay suhestiyon maging mga inputs at magbigay kasangkapan sa isa sa kanilang pangunahing responsibilidad na maipatupad at mapanatili ang Batas at Kaayusan sa kanilang mga lugar.