Naaresto ang isang suspek sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng Cotabato City Police Station 2 kasama ang CPDEU at PDEA BARMM sa Purok Pindulunan, MB Poblacion, noong Enero 3, 2026, bandang 1:30 ng hapon.

Kinilala ang suspek sa alias na “Pangit,” 31 taong gulang, may asawa, self-employed at residente ng nasabing lugar. Naaresto ito matapos makabili ng isang piraso ng shabu, tinatayang may bigat na 0.08 grams at may halagang Php544, mula sa police poseur buyer.

Kasabay ng aresto, narekober ang anim (6) na Php100 bills na nagkakahalaga ng Php600, isang improvised glass tube tooter, at isang lighter. Ang suspek ay pinaalalahanan ng kanyang karapatan sa ilalim ng Miranda Doctrine at sasailalim sa drug testing exam, habang ang narekober na droga ay ipapadala sa RFU-BARMM para sa laboratory examination.

Ang inventory, marking, at photography ng nasamsam na items ay isinagawa sa mismong lugar at nasaksihan nina Barangay Kagawad, kawani ng media, at ang DOJ.

Kasalukuyang inihahanda ang kaso laban sa suspek para sa paglabag sa RA 9165, at patuloy ang pagsubaybay ng pulisya sa nasabing operasyon.