Sa bilangguan na magno-Noche Buena ang isang shabu dealer matapos ito kumagat sa inilatag na entrapment operation ng Esperanza Municipal Police Station at ng Sultan Kudarat Provincial Police Office sa Purok San Francisco, Brgy. Ala, Esperanza, Sultan Kudarat.

Kumpiskado sa drug suspek na kinilalang si Winston Biaca Velasco ang P20,000.00 halaga ng shabu nang mapagbentahan nito ang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002