Huli at kulong ang motorista na maghahatid lang sana sa kontak nito ng mahigit sa 408,000 na halaha ng isang buyer sa lungsod ng Marawi.

Patungo sana sa bayan ng Mulondo sa Lanao Sur ang suspek ng mapansin nitong may checkpoint operations ang kapulisan sa isang kalye sa Barangay Patani.

Nagtangkang umiwas at lumiko pabalik ang suspek kung kayat hinabol sya ng mga ito at naharang.

Dito na nabuko ng mga pulis Marawi na kaya pala umiwas ang motorista sa pagiinspeksyon ay may bitbit na itong shabu na kanya sanang ihahatid sa bayan ng Molundo.

Natagpuan dito ang apat na malalaking pakete ng shabu sa waist bag ng suspek na syang ugat ng pagiwas ng naturang motorista sa checkpoint. Himas rehas na ngayon sa pasilidad ng Marawi City PNP ang suspek.