Aabot sa P680,000 ang halaga ng hinihinalang bawal na gamot o Shabu ang nakumpiska ng kapulisan sa isinagawang buybust operations sa Barangay Limbo sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Alas kwatro ng hapon kahapon ng ikasa ng joint MDEU Personnel ng SK PNP katuwang ang iba pang tauhan ng kapulisan kung saan timbog ang suspek na kinilalang si Muslimin Kadil na taga bayan ng Talitay.

Nakakustodiya na ang naturang suspek sa PNP at nakatakdang sampahan ng kaso.