Mariing itinatanggi ni Shaira na magkakaroon ito ng konsyerto sa Marawi City. Ito ay kasunod ng pangamba ng ilan sa mga taga Marawi na may mga lugar na pinuntahan ang Moro Singer na inabot ng pag-ulan at pagbaha.

Ayon kay Shaira, walang katotohanan ang mga lumalabas na impormasyon sa social media at hindi nya alam ang tungkol dito. Sa huli, hinimok ni Shaira ang publiko na hanggat walang nakikitang prueba na galing sa kanya o sa kanyang management ay wag agad maniniwala sa mga balita.

Ayon din sa tanyag na Moro Singer, itigil na dapat ang pagpapakalat ng pekeng balita at sa halip ay pagtuunan na lamang ang mga bagay na positibo at kapaki-pakinabang.