Pinagbabaril-patay ang isang lalaki habang naghihintay ng bus sa Brgy. Poblacion, Pikit, Cotabato ngayong umaga, March 30, 2026.

Ang suspek ay hindi pa nakikilala, at kasalukuyang iniimbestigahan ng lokal na kapulisan ang insidente.

Bandang alas-8:15 ng umaga, rumesponde agad ang alert team sa lugar, habang nagpadala rin ng flash alarm sa mga karatig munisipyo at nagpapatupad ng intensive checkpoint sa mga posibleng exit points ng suspek.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo at pananagutan ng may sala.