Hinihintay na lamang ang pormal na deklarasyon sa gaganaping BARMM Grand Coalition Convention sa darating na Setyembre 28 sa Islamic City of Marawi at maiaanunsyo na ang pinal at plastadong linyada ng mga pambato ng SIAP Party sa lungsod ng Cotabato.

Ito ang inanunsyo ng SIAP Cotabato City and SGA BARMM Chapter President at dating MILG Minister Atty. Naguib Sinarimbo sa naging pulong-balitaan ni Agri Partylist Congressman Manoy Wilbert Lee kahapon, araw ng Lunes.

Maugong kasi na maaring kumandidato bilang alkalde si Cotabato City Vice Mayor Butch Abu habang bise alkalde naman ang kapitan ng MB Kalanganan na si Kapitan Bimbo Ayunan Pasawiran, bukod pa sa sampung konsehal na nakalinya sa partido.

Inanunsyo din ni Sinarimbo ang balak nito na tunakbo bilang Parliamentary District Representative sa Second District ng siyudad habang si MP Romeo K. Sema naman ang inindorso ng mga ito bilang Parliamentary District Representative sa unang distrito.

Susuportahan naman ng partido ang kandidatura ng kongresista na si Agri PL Representative Wilbert Lee bilang senador.