“Manageable”
Ito ang kasalukuyang sitwasyon ng seguridad at kapayapaan sa lungsod ng Cotabato, sa paglalahad ni Cotabato City Police Director Col. Joel Estaris ng ipatawag ito kahapon sa Sangguniang Panlungsod para sa regular sesyon nito.
Mula ng maupo si Col. Estaris mula Hulyo 4 hanggang sa mga sumandaling ito, (6) anim na linggo ang nakakaraan, ipinagmalaki nito na manageable ang peace and order situation ng lungsod sa kanyang panunungkulan.
Base sa datos ng kapulisan sa lungsod, 67 na mga operasyon ang naisagawa, 33 ang may kinalaman sa iligal na droga, 16 ang may kinalaman sa iligal na mga armas, anim sa iligal na sugal, 4 laban sa mga wanted persons at smuggling at 2 naman para sa search warrant.
Isinalaysay din ng opisyal ang kasalukuyang estado ng mga naganap na barilan sa lungsod at iba pang mga krimen.
Ayon kay Estaris, kapos na kapos ang bilang ng pulis sa populasyon ng lungsod kung ito ang paguusapan ngunit di ito hadlang para maayos na magampanan ang kanilang tungkulin na magsilbi at prumotekta.
Samantala, inimungkahi naman ng bise alkalde na si Vice Mayor Butch Abu na dagdagan ng dalawa pang istasyon ng pulis ang lungsod upang madagdagan din ang bilang ng mga personahe ng pambansang pulisya sa siyudad.