Naging matagumpay ang isinagawang SIMEX o Simulation Exercises o Bomb Explosion Drill sa bahagi ng Rosary Heights 10 sa lungsod partikular sa area ng Childrens Park.

Ang nasabing simulation ay pinangunahan ng Cotabato City Police sa pangunguna ni City Director Col. Joel Estaris katuwang ang City LGU, Marine Battalion Landing Team 5, BFP, PSO at City Explosive Ordinance and K-9 unit.

May ilang residente naman ang nakiisa bilang bahagi ng ginagawang exercise na kung saan ay umakto silang mga biktima ng pagsabog.

Matapos nilang pasabugin sa area ang dalawang IED, dito naman nila sinubukan ang kakayahan ng bawat Law Enforcement Units at iba pang mga sektor pagdating sa pagrespinde sa mga insidente ng karahasan lalo na sa pambobomba.

Samantala, sumunod naman dito ang debriefing upang mapagusapan ang mga suhestiyon ng bawat hanay.

Ayon sa hepe na si Col. Estaris, mahalaga ang mga ganitong bagay upang maging maayos ang daloy ng koordinasyon at pagrespunde kung maganap ang isang insidente ng pambobomba sa lungsod.