Inanunsyo ng Cotabato Light na bumaba ang presyo ng kuryente para sa mga residential customers ngayong buwan ng Oktubre.
Mula sa dating P10.0952 kada kilowatt-hour noong Setyembre, bumaba ito sa P8.0854/kWh, epektibo para sa mga bill mula Oktubre 18 hanggang Nobyembre 17, 2025.
Ayon sa Cotabato Light, ang pagbaba ng singil ay dahil sa mas mababang presyo sa Philippine Wholesale Electricity Spot Market sa Mindanao, kung saan kumukuha ang kumpanya ng bahagi ng kanilang kuryente.
Ngunit paalala nila, pabago-bago ang merkado, kaya posibleng magbago rin ang presyo buwan-buwan.
Pinapayuhan din ang lahat ng customer na gamitin ang kuryente nang wasto at maayos upang maiwasan ang mataas na singil sa kuryente.