Tumaas ng P0.0631 kada kilowatt hour (kWh) ang transmission charges sa electric bill ng mga konsumer ngayong Hulyo 2025, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Mula P1.1482/kWh noong Mayo, pumalo sa P1.2113/kWh ang average transmission rate para sa June 2025 billing period. Ang halos P0.06/kWh na dagdag-singil ay bunsod ng 9.32% na pagtaas sa Ancillary Services (AS) — ang mga serbisyong nagpapatatag sa power grid tuwing may kakulangan o sobrang suplay ng kuryente.
Nilinaw ng NGCP na hindi sila kumikita sa AS charges, na direktang binabayaran sa mga power providers at sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP).
Bahagya ring tumaas ang transmission wheeling rate ng NGCP ng P0.0018/kWh, mula P0.4593 patungong P0.4611.
Sa kabila nito, nananatiling malaking bahagi ng transmission rate ay galing sa AS, na pangunahing dahilan ng dagdag sa singil ngayong buwan.