Nagbitiw sa kaniyang puwesto bilang Sangguniang Kabataan Chairman ng Barangay Bubukal, Sta. Cruz, Laguna si Mark Andrian Napiza.
Kasunod ito sa kontrobersiya na kaniyang kinaharap noong Pebrero 15, 2026.
Umani kasi ng batikos ang pagkalat ng video nito na hinawak-hawakan ang mga panindang siopao at hotdog mula sa isang convenience store.
Sa kaniyang resignation letter ay pinasalamatan niya ang mga ka-barangay na sinilbihan niya ng halos walong taon.
Bilang padidisplina din aniya sa ginawa nito kaya nagpasya itong magbitiw sa puwesto.
Una rito ay sinampahan ni Sta. Cruz, Laguna Mayor Benjo Agarao ng administrative complaint si Napiza dahil sa ginawa nito.

















