Bumisita sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP-BARMM si BTA Minister of Parliament Atty. Suharto Teng Ambolodto kahapon upang mapagusapan ang magiging kolaborasyon ng kanyang tanggapan at ng ahensya sa mga programang tututok sa skills development ng mga kapatid nating mga PDL o Persons Deprived of Liberty na nasa pangangalaga ng nabanggit na ahensya.
Pinangunahan ng grupo ni MP Ambolodto at BJMP JInsp. Jhanel Muya ang pagtingin sa kasakukuyang lagay ng labing-isang pasilidad ng BJMP sa rehiyon.
Ayon kay JInsp. Muya, umaasa sila sa pagiging ganap ng naturang kolaborasyon na makakapagbigay ng makabuluhang mga programa na nakasalig sa Therapeutic Community Modality Program ng bureau.
Ang TCMP ay isa sa itinuturing na core program na nasa ilalim ng BJMP Behavioural Management/Modification Program na gumagabay at nagsasaayos ng disiplina ng PDL para mabago ng positibo ang kanilang kondukto at pagiisip sa pamamagitan ng tinatawag na structured group process.
Ang programa ng opisina ni MP Ambolodto patungkol sa GAD ay kasalukuyan nang sumusuporta sa TCMP ng Cotabato City Jail – Female Dormitory o CCJ-FD.