Arestado ang dalawang (2) suspek matapos na magpuslit ito ng smuggled cigarettes sa Lebak sa lalawigan ng Sultan Kudarat kamakalawa.
Sa naging imbistigasyon ng Lebak MPS, pinara ng mga kasapi ng Second SK Provincial Mobile Force sa checkpoint ng Barangay Christianuevo ang puting minivan dahil wala itong plaka habang papunta sa direksyon ng Maguindanao del Norte.
Nagpakilala pa ang driver nito na isang sundalo ngunit walang maipakitang AFP ID na nagpapatunay na sundalo ang nasabing tsuper. Kaduda-duda din ang mga galawan ng suspek kaya’t naghalughog na ito sa loob ng sasakyan at natuklasan ang 1050 reams ng isang sigarilyo na nagkakahalaga ng P387,000. 3
Dahil sa walang maipakitang dokumento para sa mga yosi ang mga suspek inaresto na agad ito at sasampahan ng kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Graphic Health Warning Law. Nasa kustodya na ng Lebak MPS ang nasabing mga suspek.