Handang suportahan ng Malacañang ang panukalang batas na layong i-regulate ang paggamit ng internet ng mga kabataan.
Ang pahayag na ito ay inilabas matapos ihain ni Senador Ping Lacson ang isang panukalang batas na naglalayong higpitan ang internet access ng mga menor de edad, dahil sa posibleng epekto nito sa mental health batay sa iba’t ibang pag-aaral.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, anumang hakbang na makakabuti sa kalagayan ng publiko, lalo na sa kabataan, ay posibleng tanggapin ng administrasyon.
Kung mapatutunayang makatutulong ito sa mental well-being ng kabataan, inaasahang makakakuha ito ng suporta mula mismo sa Pangulo.