Isinagawa ngayong araw ng Huwebes, July 04, 2024 ang State of the Province Address ni Maguindanao del Norte Governor Abdulraof “Gob Sam” A. Macacua sa Cotabato City.

Sa nasabing aktibidad, inilatag ni Gov. Macacua ang kaniyang mga accomplishments sa higit isang taon niya bilang gobernador ng probinsya.

Ilan sa kaniyang ibinida na napagtagumpayan sa probinsya ay ang 39 kilometers provincial road sa iba’t-ibang minisipyo sa rehiyon, pagpapatayo ng riverbanks para iwas baha, road to farm-to-market roads, rehabilitation of provincial nursery access road sa bayan ng Parang, pagbibigay ng fish facilities at iba pang housing project ng Upo, Maguindanao del Norte.

Tinalakay din ng gobernador ang kaniyang mga nagawa sa hanap ng Social Development and Protection, Health, Education, Economic at Institutional Developments.

Buong galak din niyang inihayag na umabot na sa 81% ang mga barangay sa Maguindanao del Norte na drug cleared na.

Ani Gov. Macacua, simula palang yan ng kaniyang pinapangarap ng Maguindanao del Norte ang pagiging “Primer Province ng Bangsamoro Region”.

Ang nasabing SOPA 2024 ay dinaluhan nina BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, OPAPRU Secretary Calito Galvez Jr.. BTA Members of the Parliament, at mga mayor na sakoy ng Maguindanao del Norte.