Full support at handang tumulong ang BARMM government sa kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at ng Pilipinas sa pagproseso ng Special Immigrant Visas para sa mga Afghan Nationals.

Ito ay ayon sa press statement na inilabas ng opisina ni BARMM Cabinet Secretary at Spokesperson Mohd Asnin Pendatun.

Committed ang Bangsamoro Government na makipagtulungan sa gobyerno para masiguro ang episyente at matagumpay na implementasyon ng kasunduan.

Aniya, ang hakbanging ito ay nagpapakita ng importansya ng pagiging makatao at pagtulong sa kapwa tao at sa mga nangangailangan.