Nagsagawa ng special Registration for Persons Deprived of Liberty o PDL ang Commission on Elections Cotabato katuwang ang Cotabato City Jail- Female Dormitory.

Ginanap ngayong sabado, Setyembre 27 ang nasabing special registration sa CCJ-FD grounds. Ayon kay CCJ-FD Jail Inspector Cherry Durante, napagsilbihan ng naturang Special Registration ang 10 na kababaihang PDL’s na gustong makaboto sa darating na halalan.

Ang naturang aktibidad ayon pa kay Durante ay isang pagtitiyak na kahit nakapiit ang mga PDL’s ay nagagawa pa rin nito ang tungkulin at karapatan nito bilang mamamayan at iyon ay ang makaboto ng kanilang napupusuan sa halalan bilang ito ay nakasalig sa ating pambansang konstitusyon.

Ilan lang sa mga serbisyo na binigay ng CITY COMELEC para sa mga PDL’s ay ang registration, reactivation, correction and transfer of records.