Itinayo ng Ministry of Transportation and Communications Bangsamoro Airport Authority ang isang staff house para sa staff at empleyado ng paliparan ng Tawi Tawi.
Ang gusali ay 2 storey, may walo (8 na silid at itinayo sa 226 metro kwadrado na lote).
Ito ay magsisilbing akomodasyon sa mga empleyado at staff ng paliparan sa isla ng Tawi-Tawi.
Aabot naman sa humigit kumulang 8.6 milyong piso ang pondo ng proyekto mula sa GAAB ng taong 2023 na natapos ang pagpapatayo sa loob ng 300 calendar days at naumpisahan noong Disyembre ng nakaraang taon.
Sa kabilang dako, nagbigay naman ng dalawang pick-up trucks sina MP Jose Lorena, Suharto Ambolodto at Paisalin Tago sa MOTC BAA Sulu Airport at Sanga-sanga Airport.
Ang pera na ginugol para sa proyekto ay mula sa mga Transitional Development Impact Fund o TDIF ng mga nabanggit na Minister of Parliament.