Muling nakatanggap ng pagkilala ang Star FM ng Bombo Radyo Philippines sa 2025 Catholic Mass Media Awards (CMMA) matapos makamit ang tatlong sunod-sunod na panalo sa kategoryang Best Entertainment Program.
Ang Pinoy Memories ng Star FM Iloilo ang nagdala sa istasyon ng karangalan ngayong taon, na nagpapakita ng kakayahan ng Star FM na pagsamahin ang entertainment at impormasyon sa radio at sa mga digital platforms nito.

Ito ay sumunod sa pagkapanalo ng Star FM Bacolod noong 2024 sa kategoryang Best Entertainment Program sa Morning Star Sweep, at Star FM Cebu noong 2023 para sa Star Weekend Favorite Lenten Edition.


Sa CMMA, ang pagkakaroon ng multiple finalists mula sa Bombo Radyo Philippines sa lahat ng siyam na kategorya sa radyo ngayong taon ay patunay ng malawak na pagtanggap ng publiko sa mga programa ng network.
Pinapakita rin nito ang patuloy na pamamayagpag ng network sa pagbibigay ng tama at makabuluhang impormasyon, tapat na komentaryo, at dekalidad na entertainment para sa mga tagapakinig at tagapanood nito.
Sa kabila ng pagbabago ng istasyon at programa bawat taon, nananatiling matibay ang reputasyon ng Star FM sa kategoryang Best Entertainment Program.
Ang tatlong sunod-sunod na panalo o “three-peat” ay itinuturing na mahirap makamit, at nagpapatunay ng dedikasyon ng Star FM sa kahusayan sa radyo.
Para sa mga tagapakinig, tiniyak ng Star FM na ang bawat programa at espesyal na handog ay patuloy na nakatuon para sa kanila: “It’s All For You… Basta Radyo… Bombo!”

















