Ito ang (2) ikalawang sunod-sunod na pagdeklara ng State of Calamity sa lalawigan ng Maguindanao matapos na salantain ng malawakang pagbaha ang Maguindanao del Sur at Lanao del Norte.
Base ito sa naging rekomendasyon ni Provinsial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMO Ameer Jehad “Tim” Ambolodto sa isinagawang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan o SP.
Aniya, nangangalahati ang apektado ng pagbaha sa lahat ng sektor pang-ekonomiya na mula sa 17 na mga bayan ng lalawigan.
Dagdag pa ni Ambolodto na hindi sapat ang tulong na ibinigay ng DSWD sa mga naging biktima ng pagbaha sa Maguindanao del Sur.
Matatandaan na una ng nagdeklara ng State of Calamity ang probinsya noong nanalasa ang epekto ng El Niño sa lugar.