Pormal na sumuko sa militar ang isang sub-lider ng lokal na teroristang grupo at lima nitong kasamahan sa Barangay Tual, President Quirino, Sultan Kudarat noong Abril 24.
Ayon sa 2nd Mechanized Infantry Battalion, nagtulak sa kanila ang hirap ng buhay, pagod, gutom, at walang tigil na operasyon ng militar.
Isinuko rin nila ang anim na armas gaya ng M1 Garand Rifle, M203 Grenade Launcher, at RPG.
Ipinrisinta sila sa mga opisyal ng militar at pamahalaan sa Tacurong City.
Ayon sa 6th Infantry Division, patunay ito na humihina na ang suporta sa mga teroristang grupo.
Dumaan na sa proseso ng reintegrasyon ang mga sumukong rebelde.