Umakyat na sa apat ang naitalang sugatan sa naging engkwentro sa Tipo-tipo, Basilan ayon sa Philippine Army 11th Infantry Division.

Sa isang panayam, kinumpirma ni 11th Infantry Division Spokesperson Capt. Genesis Dizon na pumalo na sa apat ang mga sugatan sa insidente batay na rin sa naging beripikasyon sa lokal na pamahalaan ng Tipo-tipo.

Ani Dizon, ang apat na indibidwat ay hindi sangkot sa naging alitan at pawang mga nadamay lamang sa engkwentro.

Matatandaan naman na nagumpisa ang rido sa isang shooting incident nitong Oktubre 21 na siyang ikinasawi ng isang opisyal ng barangay.

Samanatala, matapos ang naging negosasiyon nitong Martes ay muling nagkaroon ng palitan ng putok ng baril sa pagitan ng dalawang panig kung saan nadamay ang apat na passerby.

As of 5:00pm naman kahapon ay kinumpirmang wala nang engkwentro at humupa na ang sitwasyon.