Isang sugatang dolphin ang napadpad sa pampang ng Barangay Penansaran, Datu Blah Sinsuat, umaga ng Marso 7, 2026. Napansin ito ng mga residente na palutang-lutang sa tubig at agad sinaklolohan ng Marines mula sa Marine Battalion Landing Team 5.
Agad itong binigyan ng paunang lunas, kabilang ang antibiotics, bago tuluyang pinakawalan pabalik sa karagatan.
Ang mabilis na aksyon ng mga Marines ay nagbigay ng kaunting ginhawa sa mamamayan at sa sugatang hayop, na ngayon ay ligtas na muling nakabalik sa kanyang likas na tirahan.















