Humabol nang lagda bilang complainants sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sina Sultan Kudarat Representative Princess Rihan M. Sakaluran at Lanao del Norte Representative Mohamad Khalid Dimaporo.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, nagsumite na ng verification forms ang dalawang mambabatas upang mapabilang sa mga complainant ng kaso.

Sa kabuuan, umabot na sa 25 kongresista ang opisyal na pumirma bilang complainants, kabilang sina:

  • Biñan Rep. Len Alonte
  • Cagayan Rep. Ramon Nolasco Jr.
  • Isabela Rep. Tonypet Albano
  • Leyte Rep. Carl Nicolas Cari
  • Masbate Reps. Richard Kho, Ara Kho, at Wilton Kho
  • Negros Occidental Rep. Emilio Bernardino Yulo
  • Quirino Rep. Midy Cua
  • Pangasinan Reps. Ramon Guico Jr. at Arthur Celeste
  • Ako Bicol Rep. Zaldy Co
  • Cavite Rep. Adrian Jay Advincula
  • Tarlac Reps. Bong Rivera at Christian Tell Yap
  • Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali Jr.
  • Ako Bisaya Rep. Sonny Lagon
  • GP Rep. Jose Gay Padiernos
  • Ako Ilocano Ako Rep. Richelle Singson
  • Kabayan Rep. Ron Salo
  • SAGIP Rep. Caroline Tanchay
  • Abono Rep. Robert Raymund Estrella
  • ACT-CIS Rep. Edvic Yap

Sinabi ni Velasco na may mga prior commitments ang ilan sa mga mambabatas kaya hindi sila nakasama sa naunang listahan ng mga pumirma.

Sa ngayon, umabot na sa 240 ang kabuuang bilang ng mga kongresista na lumagda sa reklamo laban kay VP Sara Duterte.

Patuloy na nakabantay ang publiko sa susunod na hakbang hinggil sa impeachment case na ito.