Nanumpa bilang bagong Alkalde ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte si Datu Armando Mastura Jr. ngayong araw, matapos manalo sa inihaing protesta laban kay Dr. Bong Panda na nanalo noong 2022 elections.
Si Mastura ay nanumpa sa harap ni Judge Annabelle Piang ng Regional Trial Court Branch 15 sa Cotabato City matapos makuha ang writ of execution mula sa korte.
Nagkakaroon ng maayos na transition sa municipal hall, na pinangunahan ng abugado ni Panda, si Atty. Aiza Mae Kanda, at ng RTC 27 Court Sheriff Mario Benito.
Nakamit din ang Certificate of Recognition mula sa MILG BARMM.