Ipinapaabot sa publiko ang Municipal Ordinance No. 2025-94, na nagbabawal sa pagsusuot ng anumang takip sa mukha tulad ng mask o bonnet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur.

Ayon sa ordinansa, ang sinumang lalabag ay maaaring patawan ng multa na P2,500. Layunin ng batas na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga kalsada ng bayan.

Itinuturing ang hakbang na ito bilang konkretong aksyon upang masiguro ang seguridad at maayos na daloy ng trapiko sa komunidad.