Isang Army Private ang patay habang isa naman na ang sugatan sa pananambang sa Pagatin 1 Village sa Datu Salibo Maguindanao Sur.

Kinilala no 6th ID Spokesperson Lt. Col. Roden Orbon ang namatay na si Pvt. Rosendo Gannaban habang sugatan naman at nagpapagaling si PFC Lexter Lizardo.

Sinabi ni Ordbin na nasa (10) Sampu na mga armadong kalalakihan ang umatake sa checkpoint ng 99th IB at ito ay pinaniniwalaang mga kasapi ng BIFF o Daulah Islamiyah Group.

Nasa (20) Dalawampu hanggang (30) Tatlumpung mga personahe ng militar ang nakadetalye sa checkpoint ng sila ay pinagbabaril.

Sinabi ni Orbon na ang army patrol base ay nagsisilbing control and strategic pouny ng mga sundalo na kabilang sa mga tumutulong sa humanitarian assistance at relief operations sa mga binahang lugar na malapit sa bayan ng Datu Salibo.

Ang mga yunit naman ay katuwang ng BANGSAMORO READi at ng mga LGU sa panahon ng kalamidad at emerhensiya lalo na rin sa pagrescue at responde sa mga mamamayang nangangailangan.