Matamang tinututukan ng pwersa ng kapulisan, militar at ng lokal na pamahalaan ng Shariff Aguak Maguindanao del Sur na mabigyan ng karampatang solusyon ang mga sunod-sunod na insidente ng pamamaril sa lugar.

Nagpulong ang Municipal Peace and Order Council Members o MPOC sa pangunguna ni Mayor Akmad “Mitra” Ampatuan upang himayin at hanapan ng solusyon ang mga magkakasunod na pamamaril sa bayan.

Nito lamang Enero, apat na katao na ang nasawi at ilan pa ang mga nasugatan sa mga walang habas na serye ng pamamaril sa lugar.

Ang mga ito ay nagdulot na rin ng takot at pangamba sa kumunidad na labis namang ikinababahala ni Mayor Ampatuan.

Naniniwala naman ang alkalde na Demolition Job ito upang masira ang magandang imahe diumano ng kanyang munisipalidad.

Pinag-aaralan na rin ng MPOC ang katanungan na kung bakit target ng mga serye ng pamamaril ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT.

Dahil dito, napagkayarian sa naging meeting na magsasagawa ng mga best practices ang pulisya, militar at lgu upang matigil na ang mga serye ng barilan sa lugar.

Nanawagan naman ang alkalde sa mga residente na maging kalmante at wag panghintatakutan dahil kontrolado ng mga autoridad at ng LGU ang sitwasyon sa lugar.