Patuloy pa ring iniimbestigahan ng kawanihan ng pamatay Sunog o BFP sa rehiyon ang tunay na sanhi ng pagkasunog ng isang pamilihang bayan o palengke sa Nuro, bayan ng Upi sa Maguindanao del Norte kamakalawa.

Ito ay ng umalma ang isang negosyante sa naturang palengke sa mga diumano ay initial investigation remarks na inilabas ng BFP sa posibleng pinagmulan ng sunog na tumupok sa 10 na pwesto ng naturang pamilihan.

Ayon sa negosyante, inalmahan nito ang naunang balita na sa isang kainan nagsimula ang sunog sa lugar dahil di naman aniya tinupok ng apoy ang pwesto nito.

Sa hiwalay na panayam sa mga mamamahayag kay BFP Maguindanao Fire Marshal Ronald Ampang, under investigation pa rin ang nasabing kaso taliwas sa mga unang pahayag ng ilang mga pahayagan at himpilan.

Wala rin namang binanggit si Fire Marshal Ampang na kung saan nagsimula ang sunog sa lugar.

Nilinaw na rin ng negosyante sa BFP ang nangyari at iginiit nito na hindi umano sa kainan o napabayaang lutuan nagmula ang sunog.

Ginawa nito ang paglilinaw sa autoridad upang di magdulot ng pangamba sa publiko ang nasabing pagkasunog ng pamilihan sa Upi.