Isang sunog ang sumiklab sa ikalawang palapag ng Superama Hypermarket sa Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City kahapon, araw ng Huwebes.

Agad naman na narespondehan ng BFP Cotabato City ang sunog at naapula agad ito bago lumawak ang apoy. Tinatayang aabot sa sampung libong piso ang pinsala ng naturang sunog sa pamilihan.

Wala namang naitalang sugatan o nasawi sa naturang insidente.

Kasalukuyan ngayong nagsasagawa ng pagiimbestiga ang mga fire investigators ng ahensya upang madetermina ang sanhi o dahilan ng nasabing sunog.