Namataan ng PAGASA ang mata ng Super Typhoon Nando (Ragasa) kaninang alas-tres ng madaling araw sa layong 265 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan. Taglay nito ang hanging aabot sa 205 kilometro bawat oras at pagbugso hanggang 250 kilometro bawat oras, habang kumikilos pa-kanlurang hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Samantala, patuloy na nakakaapekto sa buong Mindanao ang Southwest Monsoon o Habagat. Inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Zamboanga Peninsula, kung saan posible ang pagbaha at pagguho ng lupa lalo na kapag malakas ang buhos ng ulan.

Bahagyang maulap hanggang maulap naman ang kalangitan sa iba pang bahagi ng Mindanao, na maaari ring makaranas ng panaka-nakang thunderstorms. Nananatiling mataas ang posibilidad ng biglaang pagbaha at landslide sa mga lugar na tatamaan ng malalakas na pag-ulan.