Nagsagawa ng isang surpresang drug testing ang PDEA BARMM sa mga tsuper at konduktor ng isang bus terminal sa lungsod.

Tinaguriang Oplan Harabas 2024, layunin ng nasabing testing na masigurong walang bakas ng iligal na droga ang mga tsuper at konduktor sa lugar.

Dahil sa inaasahang dagsa ang mga tutungo sa kani kanilang lugar ngayong araw ng mga patay, sisiguruhin ng ahensya at ng iba pang mga katuwang nito na ligtas ang mga pasahero at hindi nito papayagan ang pagmamaneho ng mga tsuper na lango sa ipinagbabawal na droga.