Nahuli ang isang suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms, noong Enero 17, 2026, bandang 6:30 ng gabi.
Nakumpiska mula sa suspek ang 262.96 gramo ng hinihinalang shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1,788,128, at isang Caliber .38 revolver na may kasamang dalawang bala. Agad na ipinaalam sa suspek ang dahilan ng kanyang pagkaka-aresto at ang kanyang mga karapatan ayon sa Miranda Doctrine at Anti-Torture Law, gamit ang wikang nauunawaan niya.
Lahat ng nakumpiskang ebidensya ay maayos na naitala, na-markahan, at na-dokumento ayon sa standard na pamamaraan at sa harap ng mga obligadong saksi.
Ayon kay PCPT Sali, patuloy ang Datu Montawal MPS sa pagpapatupad ng batas at sa kanilang misyon na panatilihing ligtas ang komunidad mula sa iligal na droga at loose firearms.
Ang mobile patrol operation ng Datu Montawal Municipal Police Station sa pamumuno ni PCPT Nurjhasier A. Sali, Chief of Police, kasama ang 4th Maneuver Platoon, 2nd PMFC, MDS PPO, at ang 40th Infantry Battalion, PA.

















