Nakorner ng pulisya ng lungsod partikular na ng Cotabato City PNP Station 2 ang isang street level drug personality na pangunahing target sa ikinasang drug buy-bust operation kahapon sa Zone 1 Blk 1, ND Village, Barangay RH 8.

Kinilala ni S2 Commander Capt. Teofisto Ferrer ang suspek na si John Kevin Balase na jobless, 23 anyos na taga Rosary Heights VI.

Ayon kay Capt. Ferrer, nagkaroon pa ng habulan bago nalambat ang suspek na matagal na nilang tinitiktikan.

Sa panayam naman sa suspek, di na ito tumanggi na sa kanya ang droga na nabili ng poseur buyer dito.

May bigat na point 7 grams ang iligal na droga na kapalit ng isanlibong (1000) piso at kapkapan ay nakuhanan pa sa kanyang coin purse ng cash money at isang pakete pa ng nabanggit na epektos.

Sa kasalukuyan, himas rehas na ang durugista sa Presinto 2 habang inihahanda dito ang kasong may kaugnayan sa droga.