Nadakip ng mga awtoridad, partikular ng PNP Anti-Cybercrime Unit 12 (RACU 12), ang isang online seller matapos itong maaktuhang nagbebenta ng ilegal na armas sa lalawigan ng Sultan Kudarat kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na Dan, 34 taong gulang.

Nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng kapulisan ng naturang lalawigan.